Lunes, Hulyo 25, 2011

BURIAL PRACTICES IN BICOL



  • Huwag daw iiwanang magisa ang labi. Dapat daw at least may isa na nagbabantay o kaya may isa na hindi tulog.
  • Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaong. Kung iiyak daw ingatan wag matuluan ang kabaong.
  • Huwag magdadala ng anumang pagkain mula sa burol, mapa-candy o kape.
  • Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatid. Kasi daw baka daw magsunod sunod ang patay sa pamilya.
  • Tatakluban ng anumang tela ang salamin ng bahay ng namatayan pag dito ito binurol para daw hindi magpakita ang namatay.
  • Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalis. Dadamputin lang daw dapat ang mga dumi.
  • Bawal daw maligo ang mga namatayan.
  • Sa oras ng libing, hindi daw pwedeng ang mga immediate family ang magtatangal ng mga bulaklak at ribbon sa kabaong. Dapat daw ay ibang tao.
  • Yun daw tinaggal na mga ribbon na may pangalan at aspili, itatapon daw yoon at hindi dadalhin.
  • Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earth colors lang.
  • Bawal Magwalis.
  •  Bawal Maligo sa may bahay ng namatayan.
  •  Bawal Maggisa o Magprito.
  • Bawal Mag- Thank You.
  •  Bawal din ang maghatid ng mga bisita.
  •  Bawal ang buntis.
  •  Bawal sapatusan ang patay.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento