Miyerkules, Agosto 3, 2011

LAKBAY SA PAGKATUTO

Isang lakbay aral ang naganap noong ika-26 ng hulyo taong kasalukuyan,maraming aral at mga bagay ang aking natuklasan. Ang lakbay aral na aming pinuntahan ay isa sa mga maituturng kong isa sa pinakamagandang karanasan na naganap sa aking buhay dahil marami akong natutunan tungkol sa ating mga ninuno na syang nagbigay ng kaginhawahan at kalinawan sa atin sa ngayon. Natuklasan din namin sa lakbay aral ang iba’t ibang istorya sa likod ng bawat artifacts sa atin, pinakita din sa amin ang iba’t ibang mga likhang kamay na sy ring lubos na nagpahanga sa akin.







Ang una naming pinunutahan ay ang ayala museum,  hindi man kami nakakuha ng maraming imahe upang mapalawak ang kaalaman na aming naranasan kalianlamang ay lubos kong itinanim sa aking puso at tinimo sa aking isipan ang mga bagay na aking nasaksihan. Ipinakita ditto kung paano namuhay ang mga Pilipino noong unang panahon. Isang palabas ang sa ami’y pinakita noong pagpasok pa lamang namin sa loob ng museyo na pinamagatang “the gold of the ancestors”, nakapaloob dito kung paano nagsimula ang ginto dito sa ating bansa at kung ano-ano ang  mga pinagamitan n gating mga ninuno sa mga ginto. Pagkatapos na isang kahanga-hanga na palabas ay inikot namin ang buong museyo, nakita namin ang mga ginamit na ginto ng ating ninuno at magig ang kanilang mga kasuotan, nakita din naming ang iba’t ibang mga monologue na nagpapakita ng mga naganap noong unang panahon, nakita din naming ang estatwa ng mga mahahalagang pesonalidad at maging an gating mga bayani na mayron pang mga suka kung gaano sila kalaki o katangkad.



Ang sunod naming pinuntahan  ay ang national museum. Sa pagpasok na pagpasok pa lamang namin ay bumungad ang isang napakalaking likha ni Fernando amorsolo na spolarium, kapansin pansin din ang mga magagandang larawan na makikitang pininta ng may pagmamahal. Nakita ko ang dating national congress.Sa pangalawang gusali ng national museum ay nakita ko ang mga pre colonial artifacts tulad na lamang ng bahay kubo sa ibabang palapag ng museyo. Pinasok naman naming ang isng silid na puno ng mga sinaunang kanyon na marahil ay giamit ng ating mga ninuno sa mga digmaan. Mataps nito ay pumasok kami sa silid kung saan makikita ang napakarami pang likha n gating mga magigiting na pintor. Pinasok din naming ang isang silid kung saan makikita ang mga buto o kalansay ng iba’t ibang uri ng hayop at magig sa tao. Kagimbal gmbal ang napakalaking isda na wari mo’y isang higante. Habang sa aking pagmamasid ay nakita din namin ang iba’t ibag makasaysayang bato na marahil ay ginamit din ng ating mga ninuno ang mga letrang nakaukit sa bato ay amin ding namasdan .














Pagkatapos naming pumunta sa national museum ay pumunta naman kami sa Chinese garden, namasdan naming ditto ang kapaligiran ng mga tsino wari kami’y nasa tsina mismo na ngayon ko lamang nalaman na meron pa lang ganung lugar ditto sa atin.

Sa aking karanasan na hindi ko makaklimutan, itong lakbay aral na naituring kong kayamanan na dapat kong pagingatan. Sana’y ang mga museyong ito na nakatayo na ng matagal na panahon ay mapangalagaan n gating gobyerno sapagkat ito ang nagsisilbing yaman ng ating bansa. Nawa’y masilayan pa ito n gating mga susunod na henerasyon at nawa’y marating ko muli ang mga museyong nagpakita kung gaano kadakia at katalino ang ating mga ninuno . sana’y maulit muli ang ganitong karanasan at mas marami pang matuklasan tungkol sa iba’t ibang mga istorya dito sa ating bansa. 









Lunes, Hulyo 25, 2011

BURIAL PRACTICES IN BICOL



  • Huwag daw iiwanang magisa ang labi. Dapat daw at least may isa na nagbabantay o kaya may isa na hindi tulog.
  • Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaong. Kung iiyak daw ingatan wag matuluan ang kabaong.
  • Huwag magdadala ng anumang pagkain mula sa burol, mapa-candy o kape.
  • Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatid. Kasi daw baka daw magsunod sunod ang patay sa pamilya.
  • Tatakluban ng anumang tela ang salamin ng bahay ng namatayan pag dito ito binurol para daw hindi magpakita ang namatay.
  • Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalis. Dadamputin lang daw dapat ang mga dumi.
  • Bawal daw maligo ang mga namatayan.
  • Sa oras ng libing, hindi daw pwedeng ang mga immediate family ang magtatangal ng mga bulaklak at ribbon sa kabaong. Dapat daw ay ibang tao.
  • Yun daw tinaggal na mga ribbon na may pangalan at aspili, itatapon daw yoon at hindi dadalhin.
  • Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earth colors lang.
  • Bawal Magwalis.
  •  Bawal Maligo sa may bahay ng namatayan.
  •  Bawal Maggisa o Magprito.
  • Bawal Mag- Thank You.
  •  Bawal din ang maghatid ng mga bisita.
  •  Bawal ang buntis.
  •  Bawal sapatusan ang patay.




Huwebes, Hunyo 30, 2011

BURIAL PRACTICES IN BICOL

<html>
<body>

Huwag daw iiwanang magisa ang labi. Dapat daw at least may isa na nagbabantay o kaya may isa na hindi tulog.
Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaong. Kung iiyak daw ingatan wag matuluan ang kabaong.
Huwag magdadala ng anumang pagkain mula sa burol, mapa-candy o kape.
Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatid. Kasi daw baka daw magsunod sunod ang patay sa pamilya.
Tatakluban ng anumang tela ang salamin ng bahay ng namatayan pag dito ito binurol para daw hindi magpakita ang namatay.
Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalis. Dadamputin lang daw dapat ang mga dumi.
Bawal daw maligo ang mga namatayan.
Sa oras ng libing, hindi daw pwedeng ang mga immediate family ang magtatangal ng mga bulaklak at ribbon sa kabaong. Dapat daw ay ibang tao.
Yun daw tinaggal na mga ribbon na may pangalan at aspili, itatapon daw yoon at hindi dadalhin.
Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earth colors lang.
Bawal Magwalis
 Bawal Maligo sa may bahay ng namatayan
 Bawal Maggisa o Magprito
Bawal Mag- Thank You
 Bawal din ang maghatid ng mga bisita
 Bawal ang buntis
 Bawal sapatusan ang patay


</body>
</html>