- Huwag daw iiwanang magisa ang labi. Dapat daw at least may isa na nagbabantay o kaya may isa na hindi tulog.
- Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaong. Kung iiyak daw ingatan wag matuluan ang kabaong.
- Huwag magdadala ng anumang pagkain mula sa burol, mapa-candy o kape.
- Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatid. Kasi daw baka daw magsunod sunod ang patay sa pamilya.
- Tatakluban ng anumang tela ang salamin ng bahay ng namatayan pag dito ito binurol para daw hindi magpakita ang namatay.
- Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalis. Dadamputin lang daw dapat ang mga dumi.
- Bawal daw maligo ang mga namatayan.
- Sa oras ng libing, hindi daw pwedeng ang mga immediate family ang magtatangal ng mga bulaklak at ribbon sa kabaong. Dapat daw ay ibang tao.
- Yun daw tinaggal na mga ribbon na may pangalan at aspili, itatapon daw yoon at hindi dadalhin.
- Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earth colors lang.
- Bawal Magwalis.
- Bawal Maligo sa may bahay ng namatayan.
- Bawal Maggisa o Magprito.
- Bawal Mag- Thank You.
- Bawal din ang maghatid ng mga bisita.
- Bawal ang buntis.
- Bawal sapatusan ang patay.
Lunes, Hulyo 25, 2011
BURIAL PRACTICES IN BICOL
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)